Bagong Ombudsman, isailalim sa psychiatric evaluation – Chiz

INIHAYAG ng isang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) na dapat isailalim sa psychiatric evaluation ang lahat ng mga nominado bilang papalit sa pagka- Ombudsman matapos ang masusing interbyu at imbestigasyon sa background nito.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na sisimulan ang pagpili ng susunod na Ombudsman sa pamamagitan ng paglalathala ng bakanteng posisyon sa naturang tanggapan saka pa lamang tatanggap ang JBC ng mga nominado.

“Those who may want to nominate someone may nominate that person but that person has to accept… That nomination must be accepted. Then it will be given to the JBC,” aniya.

Base sa probisyon ng Saligang Batas, ani Escudero, dapat nakapag-praktis ang sinumang nominado sa posisyon ng mahigit sampung taon bilang abogado, may tapang na harapin ang korap na opisyal sa gobyerno at may kakayahang pangkaisipan upang ipaglaban sa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman.

Sakaling mailathala sa pahayagan ang pangalan ng mga nominado, magsasagawa kaagad ng imbestigasyon ang JBC hinggil sa background nito, susuriin ang pagkatao at kakayahan, saka lamang pagbobotohan ng miyembro ng lupon kung sino ang isusumite sa Tanggapan ng Pangulo.

Inihayag pa ni Escudero na hindi maaaring inominado ang sinumang kaalyado, kapartido, kaanak o malapit kay Pangulong Benigno Aquino III upang maalis ang bahid nang paghihinala na magiging katulad din ang susunod na Ombudsman sa nagbitiw na opisyal

“Even if we believe in President Aquino, even if we believe in his integrity, still, that closeness will always be interpreted and used against him later on and against the Ombudsman. So, the next Ombudsman, even President Aquino will appoint him or her, must not be too identified with the President or any of his allies and with his party-mates,” giit ni Escudero.

“Second, he or she must have the will power or strong knees in so to speak to act on the many cases pending on the Ombudsman. And third, he or she must have that level of integrity and courage,” dagdag pa niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply