Bagong sama ng panahon namataan sa silangan ng Mindanao

MATAPOS malusaw ang isang low pressure area (LPA), isa na namang sama ng panahon ang namataan sa silangang bahagi ng Mindanao, ayon sa iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical Administration and Services Administration (Pagasa).

Natukoy ang panibagong LPA sa layong 2,450 kilometro sa silangan timog silangan ng Mindanao.

Patuloy namang sinusubaybayan ng Pagasa ang nasabing sama ng panahon upang matiyak kung ito ay magiging ganap na bagyo na maaring tumama sa bansa.

Samantala, patuloy namang nararasan ang kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao bunsod ng umiiral na InterTropical Convergence Zone (ITCZ).

Ito ay sa kabila ng matinding init sa Luzon kahapon laluna sa Metro Manila dahil maliban sa umiiral na high pressure area, walang kaulapan na nagpapahupa sa tindi ng sikat ng araw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply