Bagong version ng ‘Temptation Island’ super pangit!

MADALAS nang ipakita ang trailer ng bagong version ng “Temptation Island” na pinagbibidahan nila Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Ruffa Mae Quinto, Solenn Heusaff, Jon Lapuz, Dennis Trillo, Aljur Abrenica at ang introducing sa movie na bagong iibigin raw ng mga bakla at matrona, ang ramp model- turned actor na si Mikael Daez.

Kaya lang, say pa ng iba pang naka-watch ng said trailer, super pangit daw ito at walang binatbat sa original version ngTemptation Island noong early 80’s na dinirek ng namayapang direktor na si Joey Gosengfiao kung saan mga bida rito sina Dina Bonieve, Azineth Briones, Deborah Sun, Bambi Arambulo at mga namayapang actors na sina Ricky Belmonte at Alfie Anido na talaga namang pinag-usapan sa buong showbusiness.

Hindi lang ‘yung ganda ng movie in its entirety kundi ang mahuhusay na performances ng mga artista rito.

Kalokah! Si Mother Lily Monteverde rin ang producer ng itinuturing na classic film na ito ng dekada otsenta pero bakit tila pumalpak siya sa Part 2 nito? Hindi ba magaling ang direktor nito at hindi napaarte nang tama ang cast?

Ha’y naku! Nangangamoy flop ang said movie. ‘Yna gyud!

***

Tsinitong young actor wala ng interesado

ZINOLALA itong tsinitong young actor na nagsimula bilang child actor na dahil sa super dyuts ay wala ng bading na takers na gustong humada sa kanya?

Say pa ng mag-sister at punong-bantay sa showbiz na sina Viveng Vukengkeng at Vevang Vukangkang, noong bagu-bago pa lang sa pagpapa-booking si batang amang aktor marami-rami rin ang mga sumubok sa kanyang serbisyo. Kaso maliban sa matagal raw mag-release ng kanyang milk of human kindness si bagets ay Laila Do o nakatihaya lang ito at hindi nagpi-perform at maliit pa nga ang notrilya.

Sa true, nanghihinayang ang mga bakla sa ipi-paysung nila sa kanya kasi marami naman daw gwapings diyan na magagaling sa sex at dadalhin ka talaga sa langit at sa mababang presyo pa kasi hindi nga artista.

Clue? Mahusay umarte si batang aktor at plenty na ang acting awards nito bilang child actor. Siya na gyud!

***

‘The Buzz’ panalung-panalo sa nationwide ratings

DAHIL sa poor showing ng pangitelyang si Bubogita, hayan at inilipat na ang timeslot ng kanilang Chakarazzi este “Paparazzi.” Pano wala naman kasi, wala silang arive at hindi umubra sa pakikipagsabayan sa mga hottest news and controversial issues ng “The Buzz” na talagang panalung-panalo sa dami ng televiewers at parating number one sa nationwide ratings.

Kahit nga ang “Showbiz Central” ay panis rin sa The Buzz na hino-host ng magagaling at may mga kredibilidad bilang mga talk show hosts na sina Kuya Boy Abunda  KC Concepcion, Toni Gonzaga and Charlene Gonzales.

Every episode ay talagang maiinit ang mga isyung tinatalakay rito. Like last Sunday, may exclusive interview kay Megastar Sharon Cuneta, hottest Kapamilya young actress na si Julia Montes, kung saan inurirat talaga ni Toni Gonzaga sa segment nitong TGIS o Toni Gonzaga Intriga Statements kung sino ang boyfriend ng young actress sa ngayon.

So, para hindi ka mahuli sa mga latest showbiz news, watch ka every Sunday always ng The Buzz sa Dos, after “Your Song Presents.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply