Bagsik ni Bebeng: 15 patay, 3 nawawala

UMABOT na sa 15 ang bilang ng namatay habang tatlo naman ang nawawala makaraang manalasa ang bagyong Bebeng.

Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC ), pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa Bicol region na umabot sa 10.

Habang tig-isa naman mula sa Leyte, Northern Samar, Las Piñas at Calumpit, Bulacan.

Samantala, umabot naman sa bilang na 33,034 pamilya o katumbas ng 173,915 katao ang apektado ng naturang bagyo kung saan ang ilan ay nasa evacuation centers pa rin.

Naitala naman ang P117 million na initial na pinsala sa agrikultura maliban pa sa hindi mabatid na pinsala sa imprastraktura.

Kaugnay nito, lumalayo na ang bagyong Bebeng matapos na manalasa sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply