Bagyong Chedeng tatama sa MM

HINDI isinantabi ni Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, hepe ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang posibilidad na tumama ang bagyong “Chedeng” sa Kamaynilaan.

Ayon kay Yumul, huling namataan ang bagyo 420 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar, base sa ipinalabas na storm update ng Pagasa.

Bitbit ni Chedeng ang lakas na hangin na umaabot ng 115 kph at pagbugsong umaabot ng 145 kilometro kada oras. Bahagyang humina ang naturang bagyo na kumikilos sa 13 kilometro kada oras.

Nabatid na magpapalabas ang ahensiya na panibagong weather update sakaling lumihis ang naturang bagyo at tumbukin ang Metro Manila.

Nabatid na lalong lumalakas ang bagyo at dumarami ang dala nitong ulan dahil sa tagal ng pananatili nito sa karagatan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply