Bagyo, pagsabog ng bulkan posibleng magsabay

POSIBLENG magsabay ang pagpasok ng bagyo at pag-aalburuto ng mga aktibong bulkan sa bansa.

Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos kung saan sinabi nito na may tsansa na sabay-sabay ang mararanasang kalamidad.

Ito umano ang dahilan kung bakit mahigpit ang kanilang babala sa mga local government units (LGUs) at mga concerned government agencies na paigtingin ang preparasyon para masiguro ang “zero-casualty target.”

“Kinakabahan ko lang dito ay kung magsabay ang alburuto ng bulkan at bagyo. Mas malaki ang sakit ng ulo natin,” ayon sa opisyal.

Binanggit ni Usec. Ramos na batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may tsansa sa posibleng pagsabog ng bulkang Mayon sa Albay, Bulusan sa Sorsogon at Taal sa lalawigan ng Batangas.

“According to (Phivolcs) Dir. (Renato) Solidum, hindi lang iyong pa isa-isa. May tsansa na magsabay, iyong parang kumanta sila ng trio, ang Bulusan, Mayon at Taal, sana hindi magsabay-sabay,” babala ni Ramos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply