Bagyong Chedeng casualty umakyat sa 3

UMAKYAT na sa tatlo katao ang kinarit ng typhoon “Chedeng” matapos makuha ang bangkay ng minerong na-trap sa loob ng binahang minahan sa Tuba, sa ulat ng opisyal.

Sinabi ni Tuba provincial police chief Benjamin Lusad, na hindi nasagip sa ikinasang 24-oras rescue operation ng awtoridad  ang hindi nakuhang pangalan na minero, na naipit nang biglang pumasok sa maliit na minahan ang tubig ulan na dala ng “Chedeng.”

Dalawa sa kasamahan nito ang nahilang buhay mula sa minahan nitong nakaraang Biyernes ng gabi, ayon pa kay Lusad.

Dalawa namang kalalaklihan ang nalunod sa Bicol region sa southeast Manila, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang pinakahuling updated report.

Habang isinusulat ang balitang ito, ang bagyong “Chedeng”  ay patunong na ng Japan na nagtataglay ng may lakas na hangin na aabot sa 140 kilometro (87 miles) bawat oras, ayon sa state weather service.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply