Bagyong Chedeng lumalakas pa

BAHAGYA pang lumakas ang Tropical Storm Chedeng (Songda) habang patuloy na kumikilos sa direksyon ng hilagang kanluran-hilaga, ang direksyon na tinahak ng umalis na bagyong Bebeng, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Pasado alas 10 a.m., sinabi ng Pagasa na si Chedeng ay namataan sa layong 795 km silangan ng Guian, Eastern Samar, na may hanging lakas na aabot sa 95 kph malapit sa sentro ay may pagbugso ng ulan na aabot sa 120 kph.

Sinasabi rin na si Chedeng ay kumikilos pakanluran hilaga kanluran sa bilis na 15 kph at inaasahan na ito ay nasa layong 640 km silangan hilaga silangan ng Guiuan, Eastern Samar bukas ng umaga.

Sa Miyerkules naman ng umaga, sinabi ng Pagasa na inaasahan itong nasa 360 km silangan hilaga-silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa Huwebes ng umaga, ito ay inaasahan na nasa 265 km hilaga hilaga-silangan ng  Virac, Cantanduanes o 250 km silangan ng Casiguran, Aurora.

Gayunman, walang pa namang ikinakasang public storm warning signals sa khait naomang bahagi ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply