Bagyong Chedeng nasa Pinas na

NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong pinangalanang “Chedeng”, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical at Astronomical Services Administration (Pagasa).

Namataan ang bagyo sa layong 880 kilometro sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lakas na hangin ng 95 kph at umabot ang pabugsong hangin hanggang 120 kph.

Patuloy umano itong lumalakas habang papalapit sa kalupaan.

Kumikilos ang bagyo sa direksyon ng Kanluran Hilagang Kaunlaran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Nabatid pa sa Pagasa na hindi pa ito makakaapekto sa panahon ng bansa dahil sa malayo pa ito.

Inaasahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa intertropical convergence zone.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply