Bagyong Chedeng Papasok na sa Pinas

NAKATAKDANG pumasok ang malakas na bagyong cheding sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas, ika-22 na Mayo, ayon sa PAGASA.

Sa panayam sa isang radyo kay DOST Usec. Graciano P. Yumul, Jr. sinabi nito na malakas ang naturang bagyong papasok sa Pinas dahil mayroon itong lakas ng hangin na umaabot hanggang 190 kph.

Pagkapasok palang umano ng bagyo sa PAR ay kaagad na ng storm signal para magbigay babala sa posibleng daanan ng malakas na bagyo.

Samantala, pinaghahanda naman ng National Disaster Risk Reduction & Management Council ang mga lokal na pamahalaan sa mga posibleng daanan ng bagyo. Ayon sa NDRRMC kailangan masabihan ang mga residente na malapit sa dalampasigan at sa mga malalapit sa mga bundok na maaaring magkaroon ng landslide.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply