Bahay ng mayor sa probinsya ng Iloilo nasunog

NAWALAN ng tirahan ang mayor ng Zarraga sa Iloilo makaraang matupok sa sunog sa isang residential area, madaling araw ng Miyerkules, Mayo 4.

Ayon sa report ng dzBB, isa sa natupok ang tahanan ni Zarraga town mayor Rigor Brazas nang masunugan ang Poblacion Ilawod village bandang 3:00 a.m.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Nelson Defensor, at natupok ang pitong kabahayan at nadamay naman ang apat pa bago naapula ng mga bumbero.

Ayon pa sa report, nag-collapse ang isang bumbero na si Senior Fire Officer 3 Nerio Duremdes habang inaapula ang apoy.

Kasalukuyang inaalam pa ang dahilan ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply