Bakbakan ng top teams sa Flying V Hanes Cup

SINURPRESA ng University of the Philippines Fighting Maroons ang Jose Rizal University Heavy Bombers tungo sa pagtatabla nila sa third position sa Group B ng FilOil Flying V Hanes preseason Premiere Cup habang nilagot ng San Juan de Letran Knights ang tatlong pagkatalo nang itala ang ikalawang panalo sa FilOil Flying V Arena, San Juan City.

Sina Mike Silungang na tumotal ng 22 puntos at ang Nigerian rookie na si Alenko Mbak at Mike Gamboa na nagtala ng 13 puntos ang nagdala ng panalo sa Fighting Maroons.

Sa pagpapatuloy ng laro alas-2:30 ngayong hapon, ay magbabanggaan ang University of the East Red Warriors, 1-2, at ang Far Eastern University Tamaraws, 4-0, habang sisikaping mapanatili ng Ateneo de Manila Universtiy Blue Eagles ang malinis na 4-0 record laban sa nagbabantang National University Bulldogs na tangan ang 4-1 slate.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply