Bakbakan sa Triple Crown

MAGKAKAALAMAN sa Linggo, Mayo 15, kung sino ang makakauna ng panalo sa 2011 PHILRACOM Triple Crown Stakes Race na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

May nakatayang 1.8M para sa mananalong kabayo sa unang leg ng event na tatakbo sa distansyang 1,600 metro.

Ang mga kasali ay sina Magna Carta, Arvindugo, The Rock, Hari Ng Yambo, Barkley at magkakamping Bosbarawana at Lord Of War.

Sa huling laban ni Arvindugo ay tinalo nito si Magna Carta subalit para sa mga tipsters ay anybody’s race pa rin ang labanan.

“Pinaghandaan namin ito dahil natalo kami dati kay Arvindugo lalo na magagaling din ang mga kasali tapos ang laki pa ng premyo.” paliwanag ni Rey Henson, trainer ni Magna Carta.

Gagabayan ni two-time reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year Jessie B. Guce si Magna Carta habang rerendahan ni star jockey at many time PSA J-O-Y awardee Patty Ramos Dilema si Arvindugo.

Makatatanggap din ng P675,000 ang pangalawang tatawid ng meta habang P375,000 at P150,000 ang maiuuwi ng third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Sa historya ng triple crown, walo pa lamang ang nakakawalis ng tatlong legs simula ng mag-umpisa ang nasabing event noong 1978.

Huling kabayong naka-sweep ng tatlong legs ay si Silver Story (2001) at ang una ay si Fair And Square (1981).

Ang ibang naka-ukit ng tatlong legs ay sina Sky Walker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996) at Real Top (1998). Elech Dawa

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply