Bakuna vs Hepatitis-B sa mga sanggol pasado

GAGAWIN nang mandatory ang pagbabakuna sa sanggol laban sa Hepatitis-B matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4393 o tatawaging “Mandatory Infant-Health Immunization Act of 2011.”

Pangunahing layunin nito ang maprotektahan ang mga bagong silang na sanggol laban sa Hepatitis-B at iba pang vaccine-preventable diseases upang matiyak ang kalusugan at mabawasan ang dami ng namamatay na sanggol.

Ani Tarlac Rep. Susan Yap, ang komplikasyon sa sakit ay maaaring mauwi sa habambuhay na impeksyon, tulad ng cirrhosis o scarring of the liver, live cancer, liver failure na kalaunan ay nauuwi sa kamatayan.

Subalit maiiwasan aniya ang mga viral infection at komplikasyon sa pamamagitan ng maagang pagbabakuna para sugpuin ang Hepatitis-B.

Katuwang ni Yap si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya sa pagsusulong ng nasabing panukalang nag-uutos sa lahat ng health care practitioners o health care workers na nangangasiwa sa prenatal care na ipaalam sa mga nagbubuntis ang kahalagahan ng maagang pagbabakuna. Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply