Balikbayan boxes isasama na sa X-ray inspection

HINILING ng isang  kongresista sa Bureau of Customs (BOC) na isama na rin sa X-ray inspection ang mga balikbayan boxes bilang bahagi ng magagawang remedyo ng Kamara upang maiwasan na ang talamak na pagpupuslit ng imported vehicles matapos mabunyag sa kanilang pagdinig na iligal na pagpasok sa bansa ng “hot cars” at motorsiklo mula sa Amerika.

Sinabi ni Rep. Elpidio Barzaga ng lone district ng Dasmarinas City sa ginawang pagdinig ng House Sub-Committee on Customs, Tariff and Related laws, na kailangan nang magkaroon ng mahigpit  na eksaminasyon at imbestigasyon ng mga tauhan ng BOC sa mga shipments kahit na ito ay door-to-door pa.

Kinumpirma naman ni Atty. Lourdes Mangaoang, BOC collector at head ng BOC X-ray Inspection Project, na hindi sumasalang sa kanilang X-ray machines ang mga balikbayan boxes dahil ito ay nauuri sa isang consolidated shipment.

Dahil dito kayat tinanong ni Barzaga kung may nagbabawal na dumaan sa scanning ang balikbayan boxes sa kasalukuyang umiiral na batas na sinagot naman ni Mangaong na walang nagbabawal ukol dito kaya’t inirekomenda na rin umano nito kahit random X-ray muna ng mga consolidated shipments.

Paliwanag naman ni Mangaong, sa ilalim ng BOC selectivity system ay mayroong tag na green, yellow at red kung saan ang ibig sabihin ng green ay walang inspection ng mga containers ang yellow ay para sa document inspection at ang red ay X-ray inspection o physical examination.

Ang hakbang ni Barzaga ay bunsod sa pagkakabunyag sa Kamara ng negosyanteng si Allan Bigcas na naipapasok nito ang mga importerd hot cars at motorbikes mula sa Estados Unidos sa pamamagitan ng balikbayan boxes upang makaiwas na rin sa pagbabayad ng buwis. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply