Banco de Oro pinasok sa Cagayan de oro

SINALAKAY at tinangayan ng hindi pa mabatid na halaga ang Banco De Oro sa Cagayan De Oro City sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, bandang alas 10:30 ng umaga nang pasukin ng limang kalalakihan ang Banco DeOro na nasa Ramon Chavez kanto ng Osmeña St. Barangay 33, Cagayan de Oro City.

Matapos tutukan ang mga taong nasa loob ng banko ay mabilis na tinangay ang salapi na hawak ng mga tauhan ng nasabing banko.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng tatlong motorsiklo sa hindi pa batid na direksyon.

Kasalukuyang nagsasagawa na ng follow up investigation ang mga tauhan ng Cagayan PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply