Bangkay ng lalaki, bumara sa flood gate

BUMARA sa isang flood gate ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki nang makita sa Valenzuela City Huwebes ng umaga, Mayo 19.

Tinatayang nasa edad na 30 hanggang 40 ang biktima, naka-asul na t-shirt na may print na “85” sa harap at naka-checkered na brown na shorts.

Sa ulat, dakong alas-siyete ng umaga nang makita ng mga residente na nakabara ang biktima  sa flood gate sa Polo ng lungsod na naging dahilan upang itawag sa pulis.

Wala naman nakitang sugat sa katawan ng naaagnas ng biktima na dinala sa Valenzula Funeral Homes.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang biktima at ano ang ikinamatay.

 

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply