Bangkay nagpalutang-lutang sa ilog

NATAGPUANG palutang-lutang sa ilog sa Lungsod Quezon ang bangkay ng isang 43-anyos na lalaki kahapon, Miyerkules.

Hinihinala ng mga awtoridad na nalunod ang biktimang si Comersido Placide, ng 137 West Ave.

Base sa ulat, natagpuan ang bangkay ni Placide bandang 3:30 ng hapon sa may River Bank , sa likod ng Bahay 72 Zorra St., Barangay Paltok, Quezon City.

Nauna rito’y, isang tawag sa telepono ang natanggap ng Masambong Police Station 2 mula sa isang hindi nagpakilalang caller na may natagpuang bangkay.

Dahil dito, mabilis na rumesponde ang tropa ng pulisya sa nasabing lugar upang mag-imbestiga.

Sa lugar nadiskubre ang wala ng buhay ng biktima habang siya ay nakatihaya sa nasabing lugar.

May mga nakitang galos sa katawan ng biktima subalit wala naman nakitang foul play sa naturang kaso.

Hinala ng pulisya, posibleng tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima hanggang sa ito ay malunod.

Sinabi naman ng pulisya na posibleng ang mga nakitang galos sa kanya ay sanhi ng pagkakadausdos niya sa matatalas na bato ng ilog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply