Bangkay natagpuan sa Manila Bay

ISANG 25-anyos na pedicab driver ang hinihinalang nagpatiwakal matapos matagpuan na lulutang-lutang sa Manila Bay sakop ng South Harbor sa Pier 15 Port Area, Manila Lunes ng umaga, Mayo 9.

Nakilala ang biktima na si Dante Masangkay ng Sta. Rosa Tondo, malapit sa panulukan ng San Simon.

Base sa report ni Det. Benito Cabatbat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 7:15 ng umaga nang madiskubre ang lulutang-lutang na bangkay sa Manila Bay na sakop ng Pier 15 sa South Harbor sa Port Area, Manila.

Nabatid sa ulat ng pulisya, isang crew ng Super Ferry l ang nakakita sa bangkay ng biktima na tangay ng alon sa Manila Bay. Agad nila itong ipinagbigay alam sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na silang nagbigay ng impormasyon sa tanggapan ni P/Sr. Insp. Armando Macaraeg ng nasabing tanggapan ng pulisya.

Kinilala ang biktima ng kapatid nito na si Daniel , 27, nang ito ay nasa morgue na.

Nabatid sa salaysay ng utol ng biktima na huli nilang nakitang buhay ang kapatid nitong Sabado ng gabi habang palakad lakad sa kahabaan ng Road 10 hanggang sa panulukan ng Zaragosa malapit sa Engineering Mabuhay Service Road.

Gayunman sa naging pagsisiyasat na isinagawa ng pulisya, wala namang nakitang may marka ng sugat na maaaring magbigay linaw sa pagkamatay ni Masangkay kaya isasailalim ito sa awtopsiya. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply