Barako Bulls binigyan ng palugit

TINANGUAN ng Philippine Basketball Association Board of Governors ang hiling na extension ng Barako Bulls kaugnay ng palugit bago magpasiya kung lalahok pa sa liga sa PBA Governor’s Cup na naka-iskedyul sa darating na Hunyo.

Mayroon hanggang Lunes, Mayo 30, ala-5:00 ng hapon ang paghihintay ng PBA Board of Governors sa desisyon ng Barako Bull management sa pagbabalik nila sa aktibong kompetisyon.

Nauna nang itinakda ang deadline hanggang noong Biyernes matapos na mabitin ang negosasyon ng prangkisa ni team owner George Chua na maibenta ang prangkisa sa Phoenix Petroleum na tinutulan ng Board of Governors matapos makuha ang 2/3 boto ng pagsang-ayon.

Ang extension ay ipinagkaloob kasunod ng panawagan sa pamamagitan ni lawyer Manuel Mendoza na nagpahayag di-umano ng interes si Mr. Chua na muling makalahok sa professional league.

Tatalakayin sa isang weekend meeting ng board ang isyu pati na ang game coverages na parehong nag-aalok na TV Stations na TV5 at ABS-CBN. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply