Barangay chairman, driver patay sa ambush

PATAY ang isang barangay captain at personal driver nito matapos silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek kaninang umaga, Mayo 7, sa bayan ng San Nicolas Pangasinan habang patungo sana ng lungsod ng Maynila.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan si Manuel Ruiz,  punong barangay ng Selpag at ang driver nitong si Roger Aquino.

Nabatid na nakatakdang lumuwas ng Maynila ang biktima para sumakay ng barko papuntang Visayan Region upang dumalo sa kanilang Lakbay Aral program ng DILG.

Sa ulat ni P/Sr.Insp. Roldan Suetos ng San Nicolas PNP, nakasakay ang mga ito sa isang motorsiklo kung saan ihahatid sana ng kanyang driver si Kapitan Ruiz sa Poblacion sa nabanggit ding bayan nang bigla na lamang silang pinagbabaril ng ‘di pa nakikilalang mga suspek.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nabanggit na insidente dahil sa walang nakasaksi sa nangyari.

Isa sa tinitingnang motibo sa nangyari ay ang pagiging punong barangay ng biktima, ngunit ayon naman sa sa mga kapamilya nito ay wala silang nalalaman na nakaalitan ng barangay chairman. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply