Barangay Drug Abuse Council pinabubuhay

HINAMON ng isang dating opisyal ng Dangerous Drugs Board (DDB) si DILG Secretary Jesse Robredo na buhayin ang Barangay Drug Abuse Council (BADAC) kung seryoso ito sa kampanyang sugpuin ang talamak na iligal na droga sa bansa.

Ani Atty. Clarence Paul V. Oaminal, dating Vice Chairman at Undersecretary ng Dangerous Drugs Board dapat masiguro ng pamunuan ng Interior and Local Government na pinakikilos sa mga lalawigan ang BADAC na susi upang malutas ang lumalalang paggamit at bentahan ng iligal na droga sa Pilipinas.

Tinukoy ng abogado na sa panahon ni dating DILG Secretary Joey Lina nabuo ang BADAC na naging sandalan ng pagsugpo sa iligal na droga simula noong 1998 hanggang 2009.

Subalit pagpasok aniya ng 2009 ay hindi na gaanong pinagtuunan ng pansin ng mga lokal na opisyal ang BADAC.

“The DILG just innocently or ignorantly admit as truth the reports by the BADAC, as they are required to submit a report as failure will deny them the receipt of their honorarium. But who would ever believe as true that the BADAC’s are really functioning? Secretary Robredo must therefore order its regional directors and field officers to verify whether the barangays are indeed holding meetings and that BADACs are convened.”

Iminungkahi ni Oaminal na bawat report ng BADAC ay kailangan itong sumpaan upang masiguro na hindi ito pineke o alegasyon lamang upang mabigyang diin na ang pampublikong dokumento ay hindi  marapat na pekeen.

Malaking tulong din aniya ang pagbuhay sa BADAC sa mga hakbangin at operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at  Philippine National Police.

Giit pa ni Atty. Oaminal na dapat mabatid ng publiko ang pananagutan at tulong na maibibigay sa kampanya ng gobyerno laban sa mga ipinagbabawal na gamot dahil mahihirapan ang mga otoridad kung walang kooperasyon mula sa Barangay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply