Barangay Ginebra hahabol sa game 4

BALIK sa paghahabol ang Ginebra Gin Kings Sa Talk N’ Text sa game 4 na engkwentro sa PBA Commissioner’s Cup sa Miyerkules, Mayo 4 sa Araneta Coliseum.

Tangan na ng Tropang Texter ang 2-1 slate matapos kuryentehin ang Ginebra sa out-of-town game na nilaro sa Puerto Princesa Coliseum sa iskor na 104-88.

Anim na manlalaro ng Texter ang bumuslo ng double digit points na kinabibilangan nina Ranidel De Ocampo (21), import Paul Harris (15), Jason castro (15), Harvey Carey (13), Jimmy Alapag (11) at Ali Peek (10) kontra kina Gin Kings mark Caguioa (18), import Nate Brumfield (16) Mike Cortes (13) at ang 9 at 8 points ng dalawang Wilsons na sina John at willy, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nagpaulan si Ranidel de Ocampo ng 5 sa 7 attempts sa 3-point area, 2 dito ay sa 4th quarter na dinagdagan ng 2 free throws ni Alapag at isang jumper ni JayR Reyes.

Bumigay ang Gin Kings sa first half sa kanilang 16 turnovers kontra sa 9 ng tropa ni coach Chot reyes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply