Barangay police tigok sa ex-con

PATAY ang isang miyembro ng barangay police nang pagsasaksakin ng ex-convict na una niyang hinamon ng away matapos silang magtalo Lunes ng madaling araw, Mayo 9, sa Muntinlupa City.

Limang saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tumama sa biktimang si Quintin Collado, Jr., 30, ng Espeleta st., Barangay Poblacion habang sumuko naman kaagad sa pulisya ang suspek na si Dindo
Colipano, 30, ng 1145 Amparo st., sa naturan ding barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Buenaventura Dela Cuesta, Jr. ng Criminal Investigation Unit ng Muntinlupa Police, pauwi na ang suspek na si Colipano dakong alas-2:30 ng madaling araw nang biglang may bumato sa kanya ng basag na bote habang papadaan sa barangay hall sa Amparo st.

Nasugatan sa paa si Colipano kaya’t tinanong niya si Collado na naka-duty bilang barangay police kung sino ang nambato hanggang sa magkaroon sila ng pagtatalo na humantong sa paghahamon ng biktima.

Umalis umano si Colipano subalit hinabol pa siya ng biktima kaya’t nagtatakbong umuwi ang suspek para kumuha ng patalim bago niya niresbakan si Collado at inundayan ng sunud-sunod na saksak. Amor Virata

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply