Mga sundalong nakipaglaro sa pamilya Ampatuan pinaimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang report na may ilang mga sundalo ang nakitang naglalaro ng basketball kasama ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan na itinuturong suspek sa Maguindanao massacre.

Ayon kay AFP spokesperson Commodore Miguel Rodriguez, agad na ipinag-utos ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban ang pagpapaaresto sa naturang mga sundalo kung mapapatunayang naglaro ang mga ito kasama ang akusado.

Ito ang pagtitiyak ng opisyal makaraang ipinarating sa kanya ng isa sa kaanak na mga biktima sa massacre ang naturang report.

Sinabi pa ni Rodriguez na matinding kahihiyan ang ibibigay ng naturang mga sundalo sa hanay ng sandatahang lakas sakaling totoo man ang naturang ulat. Benjie Caballero

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply