Basketbolista nanggahasa ng syota ng iba

HINATULAN si dating Toronto Raptors star recruit Bryant Matthews ng walong buwang pagkabilanggo dahil sa panggagahasa sa 21-anyos na dalaga.

Ayon sa record, sinabi ni Downing District Court today Judge Ann Ainslie-Wallace na ang babae ay nakipagtalik sa boypren niya nang mapansin na ang professional basketballer ay gumagamit din sa kanya sa iisang kwarto.

Natuklasan na umalis pala ang tunay na boypren ng dalaga at sumalisi naman ang dating NBA star.

Napasigaw umano ng babae nang mapansin na hindi na ang boypren niya ang nakakatalik niya ng mga oras na iyon.

“Any sexual assault is serious,” pahayag ng hurado. “A young woman who has chosen to have sex with a partner is entitled to believe she would not be assaulted” in such an opportunistic manner.”

Nagpahayag naman ang dating South Carolina star na inakala niyang okey lamang sa babae ang ginawa niya.

Ang pamimingger sa kanilang lugar ay itinuturing nang panggagahasa.

Sinabi naman ng hukom na dapat magpa-rehab ang basketbolista upang gumaling ito.

Subalit natuklasan na si Matthews ay napakatalino at katunayan ay nakakuha ito ng scholarship sa isang university bukod pa sa taglay nitong basketball talent at kalaunan ay naging professional player.

Nang maaresto siya noong Setyembre taong 2007, ang kanyang six-figure Sydney Kings contract ay kinansela kung saan nawalan siya ng kita at ang kanyang tahanan ay naglaho ring parang bula.

Ayon sa biktima, marapat lamang na makulong ang basketbolista upang mapagdusahan ang ginawa niyang krimen at upang huwag pamarisan ng iba.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply