Bata Reyes nanalasa agad sa US Open 10-ball openers

TULOY-TULOY ang pananalasa ni Filipino billiards master Efren “Bata” Reyes sa pagsisimula ng 2011 US Open 10-Ball championship sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada kanina.

Si Reyes,  top player ni sportsman/businessman Aristeo “Putch” Puyat, na kumuha ng bye sa opening games ay giniba si American Dennis Hatch sa second round.

Si Hatch ang tumalo naman kay heavyweight Thorsten Hohmann ng Germany, ang Philippine Open Pool ruler.

Kilala sa tawag na “The Magician,” si Reyes sariwa pa sa paghahari sa 2011 US Open One Pocket championship nitong Lunes tungo sa top prize  $8,000 ay makakalaban ang isa pang local bet na si Sal Butera.

Si Butera, ang nagpayanig kina Jonathan Smith at John Schmidt, ayon sa pagkakasunod.
Panalo din  fellow Puyat Sports ace Alex “The Lion” Pagulayan na nagtala ng back-to-back victories.

Si Pagulayan, former WPA World 9-ball Champion ay namayani kay countryman Jose “Amang” Parica at Manuel Herrera ng Mexico.

Makakalaban ng Cabagan, Isabela native na si Pagulayan ay si UK’s Raj Hundal, na tinalo sina Frankie Hernandez ng Mexico at Tommy Tokoph ng Finland.

Nagpakitang gilasa din sina double world champion Ralf Souquet ng Germany, David Alcaide ng Spain, Shane Van Boening, Corey Deuel at Charlie Williams ng  USA, Ernesto Dominguez ng Mexico at Kenichi Uchigaki ng Japan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply