Bataan Nuclear Plant tourist destination na

MATAPOS lalong lumabo ang pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) matapos magkaroon ng krisis-nukleyar kasunod ng malalakas na lindol at tsunami sa Japan, tila nakahanap ng kapakinabangan para sa di-nabuksang planta.

Ayon sa Department of Tourism, magiging tourist attraction na ang BNPP at bubuksan na ito para sa educational at tourist tours.

Ito ang balak ng DOT, ayon kay regional tourism director Ronald Tiotuico, para sa plantang natapos noong 1984 sa halagang $2.3 bilyon subalit hindi nagamit nang mapatalsik sa pwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Napapanahon umano ang hakbang na ito ng ahensya dahil sa malaking interes ng publiko sa isyu ng krisis na dulot ng Fukushima Nuclear Plant sa Japan na sinira ng lindol at tsunami noong Marso 11.

Makikita ng mga bibisita doon ang mga makinarya at kagamitan sa loob ng nasabing planta at maipapaliwanag sa mga tao kung paano ang nangyari sa Fukushima at kung bakit hindi iyon posible mangyari sa Bataan.

Ang 620-megawatt na planta ay mararating ng dalawang oras na biyahe mula sa Maynila.

Ligtas na umano ito dahil matagal nang tinanggal na ang uranium fuel nito.

Itinayo ang planta nang magkaroon ng krisis sa petrolyo noong dekada ’70.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply