Batang Bolts nagwagi sa Air21

TINAMBAKAN ng defending champion na Batang Meralco Bolts-Quezon City, 62-25, ang Air21, samantalang inirehistro ng Rain or Shine-San Juan ang katulad na pangatlong panalo laban sa GInebra-Caloocan, 64-43, sa 2011 Batang PBA Summer League na ginanap sa San Juan Gymnatium.

Sa labanan sa Group B, nasungkit ng B-Meg Derby Ace-Marikina ang pangalawang panalo sa loob ng 3-laro ng lupigin ang Talk N Text-Taytay (1-2) sa larong ginanap sa Trinity University of Asia Gym.

Naitala rin ng Petron Blaze-Manila ang ikalawang sunod na panalo laban sa Powerade-Cainta sa iskor na 63-49 para manatili sa second spot sa Group A tangan ang 2-1 win-loss record.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply