Bautista babagsak kay Ruiz

TAGILID umano si multi-titled Filipino Rey “Boom Boom” Bautista sa kanyang laban kay Mexican Heriberto “Cuate” Ruiz sa June 11 (2011) na dati na ring tumalo sa kanya

Dahil dito, puspusan ang pagsasanay ni Bautista upang makaganti siya kay Ruiz.

Ang bakbakan ng dalawa ay bahagi ng Philippines vs Mexico rivalry bout na gaganapin sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Nagiba si Bautista sa kanilang unang laban bilang under card ng Ricky Hatton vs Paulie Malignaggi sa Las Vegas.

Sa mga unang rounds ay naging mabagsik si Bautista subalit sa mga huling parte ay naging mabagal siya at diniktahan na ni Ruiz ang laban.

Ayon sa trainer na si Edmund Villamor, pinaplantsa na ni Boom Boom ang isang buwan at kalahati niyang pagsasanay kasama ang strength at conditioning training coach na si Pio Solon.

“I am very focused right now and I do not think about anything else but my opponent and my upcoming fight.”sabi ni Bautista.

Dagdap pa nito: “I am just ten pounds over the weight limit and I feel strong and ready.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply