Bawas sahod sa Pinay DH sa Saudi tinanggihan

TINANGGIHAN ng Pilipinas ang hiling ng Saudi Arabia na bawasan ang $400 sweldong itinakda para sa mga Pinay domestic helpers at ibaba sa $200 dolyar.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nagkakaisa ang POEA board na panatilihin ang minimum salary sa $400 sa kabila ng pakiusap ng Saudi diplomats na ibaba ito sa isang pakikipagpulong sa Maynila noong isang buwan.

Dahil sa hindi pagkakasundo sa nasabing usapin ay sinuspendi ng gobyerno ng Saudi Arabia ang pagpasok ng Pinay domestic helpers sa kanilang bansa kung saan sumadsad ng 80% ang pagpasok ng mga DH sa Saudi, at ang pinapayagan lamang makapasok ay yaong mga may dati nang pinapasukan.

Sa naganap na pulong sa pagitan ng mga labor ministry ng dalawang bansa, marami na umanong napagkasunduan maliban sa sweldo. Nakiusap din ang Saudi na huwag masyadong higpitan ang documentary requirements ng bansa, habang hiniling naman ang Pilipinas ang mga kopya ng income tax ng employers, mapa ng kanilang mga lokasyon at iba pang clearances dahil sa mga reklamo ng mga Pinay DH na hindi lamang isang bahay ang kanilang pinaglilingkuran kundi pati mga kamag-anak ng kanilang mga amo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply