Bea Alonzo nakatakdang pagselosan ni Mariel Rodriguez

KUNG ang action star na si Robin Padilla ang tatanungin kung handa na ba siyang maging ama muli ngayong mag-asawa na sila ni Mariel Rodriguez, isang madiing ‘huwag na muna’ ang kanyang sagot.

Hindi raw niya priority ang magkaroon ng bagong anak. Marami na raw kasi siyang anak at ang gusto lang ni Robin na mangyari ay ang maging baby siya ng asawang si Mariel and vice versa.

Feel niyang ang maging baby niya muna ngayon ay ang asawa at kung may isang bagay raw na excited ang aktor ito ay hindi ang pagkakaron ng bagong anak kundi ang pagkakaron niya ng bagong teleserye sa Dos na pinagsamahan nila ng magandang actress na si Bea Alonzo. Sa katunayan pa nga ay all praises si Binoe sa kanyang bagong leading lady.

“Ako’y walang masasabing hindi maganda. Unang-una sa kagandahan niya, napakagaling ding artista. Sabi ko nga sa kanya, alam mo kapag ikaw ang kaeksena ko, totoo lahat ng nararamdaman ko eh.

“Totoo siya eh. Pagdating niya sa set, siya na yon,” ang maikling say ni Robin sa isang panayam.

Madiin namang itinanggi ni Robin ang tsikang pinagseselosan daw ni Mariel ang bagong leading lady ni Binoe.

“Hindi naman,” tanggi niya. “Iba naman sa set, iba sa bahay,”dagdag tugon ni Robin.

***

Carla Abellana ready to go daring

KABADO man ay lakas loob namang tinanggap ni Carla Abellana ang lead role sa bagong pelikula ng Regal Entertainment, ang “My Neighbor’s Wife” kung saan ay lalaban siya ng paseksihan kay Lovi Poe.

Ayon kay Carla, kung dati-rati ay halos lahat pang general patronage ang kanyang mga movies at shows sa TV, kakaibang putahe naman ang kanyang gagawin sa bago nilang movie.

Say pa nga ni Carla, hindi raw niya alam kung hanggang saan ang makakaya niyang gawin sa pagpapa-sexy at kung hanggang saan niya magagawa ang ipapagawa sa kanya ng kanilang director.  Magkaganunpaman, still naniniwala si Carla na magiging maganda ang kakalabasan ng kanyang bagong image at malaki naman ang kanyang tiwala sa kanyang director at alam ng actress na hindi siya pababayaan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply