‘Bebeng’ humina ng mag-land fall sa Quezon

HUMINA ang bagyong Bebeng (Aere) matapos itong mag-land fall sa bahagi ng Hilagang bahagi ng Casiguran, Aurora, Quezon ngayong Lunes ng umaga.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyong Bebeng ay namataan sa layong  80 km sa timog, timog silangan ng Tuguegarao City o 55 km sa hilaga hilagang kanluran ng  Casiguran, Aurora taglay ang pinakamalakas na hangin sa sa bilis na 75 kph malapit sa gitna at pagbugso hanggang 90 kph, at kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Ayon pa sa Pagasa, si Bebeng ay inaasahan sa layong 90 km sa timog kanluran ng Basco, Batanes bukas ng umaga, Martes, 240 km hilagang silangan ng Itbayat sa Miyerkules at 580 km hilagang silangan ng Itbayat sa Huwebes ng umaga.

Nananatiling nasa ilalim ng storm signal 2 ang mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga,  Cagayan;

Nasa signal 1 naman ang mga lalalawigan ng Northern Quezon; Polillo Island; Nueva Ecija; Benguet; Ilocos Sur; Abra; Ilocos Norte; Apayao; Babuyan; Calayan group of Islands at Batanes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply