Bebeng lumakas pa, signal number 2 ikinasa

ISINAILALIM na sa Storm Signal 2 ang may sampung lalawigan nang lumakas pa ang tropical storm “Bebeng” (international code name Aere) na tinatayang dadapo ngayong araw (Linggo) sa Bicol.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang bagyong Bebeng ay nasa 40 km timog silangan ng Virac, Catanduanes dakong alas  4 a.m.

“Bicol Region, Quezon Province and Northern Samar will experience stormy weather while the rest of Eastern Luzon and of Samar Provinces will have rains with gusty winds. The rest of Central and Southern Luzon and the Visayas will be cloudy skies with scattered to widespread rains and thunderstorms which may trigger flashfloods and landslides,” nakasad sa bulletin, 5 a.m.

Idinagdag pa na ang kabuuan ng bansa ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.

Sinabi ng PAGASA na ang bagyong Bebeng ay may taglay ng hangin na may lakas na 85 kph malapit sa sentro at pagbuhos ng sungit ng panahon na aabot ng 100 kph, at ito ay kumikilos kanluran-hilaga kanluran sa bilis na 13 kph.

Sa Lunes ng umaga, inaasahan itong nasa 100 km timog-silangan ng Baler, Aurora at sa Martes naman ng umaga ay inaasahan itong nasa 70 km timog silangan ng Laoag City.

Sa Miyerkules ng umaga, inaasahna naman itong nasa 250 km hilaga-kanluran ng Laoag City o 180 km west-hilaga kanluran ng Basco, Batanes.

Ang mga lugar na nasa ialim ng Storm Signal No. 2 ay ang Sorsogon,  Albay, Camarines Sur. Camarines Norte, Catanduanes, Polilio Island, Quezon, Burias Island, Ticao Island at Northern Samar.

Storm Signal No. 1 naman sa Masbate, Marinduque, Romblon, Laguna, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Isabela, Eastern Samar, Western Samar.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply