Bebot binoga sa mukha

PATULOY na nakikipaglaban kay kamatayan ang 24-anyos na dalaga matapos barilin sa mukha at kanang braso ng hindi pa kilalang salarin Sabado ng tanghali, Mayo 22, sa Makati City.

Inaalam pa ng pulisya kung selos ang motibo sa nangyaring pamamaril ng dalawang hindi pa kilalang salarin sa biktimang si Arianne Rapinan Tejada, residente ng Yellowbell st., Barangay Rizal sa naturang lungsod matapos makitang nakikipag-usap sa dati niyang kalive-in bago nangyari ang pamamaril.

Tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 at isang slug ang nakita ng mga tauhan ni Chief Insp. Jose Doctor Dioquino, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 8 ng Makati Police na unang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen, sa loob ng isang basketball court pasado alas-12 ng tanghali.

Lumabas sa pagsisiyasat ni PO3 Dominador Robles ng Homicide Section ng Makati Police na kausap ng biktima sa harap ng isang tindahan sa naturang basketball court ang dating kalive-in na si Jeff Reagan
Cayanan, 25, nang dumating ang dalawang armadong lalaki at kaagad pinaputukan ang dalaga na tumama sa kaliwang pisngi at kanang braso.

Matapos ang pamamaril, naglakad lamang ang mga suspek patungo sa Aguinaldo street hanggang naglaho na sa paningin ng mga nakasaksi.

Kaagad namang isinugod ng kanyang dating kalive-in at mga nakasaksi ang biktima sa Ospital ng Makati kung saan patuloy na ino-obserbahan ang kanyang kalagayan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply