Bebot ginahasa, kinatay ng 3 kelot sa motel

RIZAL — Hubo’t hubad at wala nang buhay nang matagpuan ang isang babae matapos gahasain umano ng tatlong lalake bago pinatay sa loob ng isang motel sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Tanay chief of Police P/C. Insp. Rizaldy Aquino ang biktima na si Grace dela Cruz, 23, ng Manila East Road,Brgy. Plaza Aldea, nasabing bayan.

Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 5:00 ng madaling-araw sa Singapore Lodge sa Sitio Bukal Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.

Nabatid na kinatok ng attendant na si Alma del Barrio ang kuwarto para ipaalala na tapos  na ang oras na pananatili ng biktima ngunit nang walang sumasagot ay sapilitan nila iyong binuksan at nadiskubre ang bangkay.

Napag-alaman na bago ang insidente, dakong 3:00 ng madaling-araw nang sunduin ng tatlong lalaki ang biktima at nag-check in sa nasabing lodge na magkakasama.

Hinala ng pulisya na ginahasa ng tatlong lalaki ang biktima bago pinatay at saka nagsitakas,

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Tanay PNP para matukoy kung sino ang tatlong salarin na huling kasama ni dela Cruz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply