Bebot na asset ng pulis niratrat, utas

PATAY ang isang hindi pa nakilalang babae na pinaghihinalaang asset ng mga pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Malabon City, Miyerkules ng hapon, Mayo 11.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na inilarawang nasa edad 40 hanggang 45, 4’8” ang taas, naka-light blue na sleeveless blouse at naka-maong short.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon, naglalakad ang biktima sa Hiwas St., Longos nang pagtapat sa isang tindahan  ay sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang babae.

Bago umalis ang suspek ay nagsabi pa ito sa mga nakatambay na “Wala yun, asset un”.

Dinala naman ang biktima sa PLM kung saan nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply