Bebot tsinap-chop sa Laguna

PUTOL na kamay at mga paa pa lamang ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan na nakasilid sa dalawang plastic bag at itinapon sa isang establisimyento ng Balibago Complex sa Brgy. Balibago kagabi.

Patuloy pang ginagalugad ng mga tauhan ni P/Supt. Ike Fernandez, hepe ng pulisya sa siyudad ang mga lugar na posibleng pinagtapunan sa iba pang parte ng katawan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na dakong 10:30 ng gabi nang madiskubre ng guwardiyang si Ranel Suay-baguio at ni Angelito Igos ang dalawang itim na plastic bag sa loob ng binabantayang establisimyento ng una.

Dala ng kuryosidad, binuksan nila ang plastic at dito na tumambad sa kanila ang putol na kanang kamay at mga paa.

Pansamantalang inilagak ng mga awtoridad ang chop-chop na katawan ng babae sa St. Joseph Funeral Parlor sa lungsod na ito habang hindi pa natatagpuan ang ibang bahagi nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply