Benipisyo para sa atleta isusulong ni Santiago

MATAPOS ang matagumpay na pagkakapanalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, isinusulong ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang isang panukalang batas na magbibigay ng benipisyo sa mga atleta na nag-uuwi ng karangalan sa bansa mula sa international sports competition.

Sa inihaing Senate Bill  number 2741 ni Santiago, layunin nito na bigyan ng benipisyo ang mga atleta na nagbibigay ng karangalan sa bansa tulad ng Retirement, Health at Death benefits.

Ayon kay Santiago, nakataya ang kalusugan at ang buhay ng mga atleta makapagbigay lamang ng karangalan sa bansa, kung kayat dapat lamang na suklian ito ng gobyerno sa pamamagitan ng mga benipisyo.

Sa panukala ni Santiago, kapag naging ganap na batas,  ang mga atleta na mananalo sa international competition ay awtomatikong magiging saklaw ng PhilHealth sa ilalim ng special na programa ng Games and Amusement Board (GAB).

Ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) naman ang sasagot sa sinumang magkakasakit na atleta, sakaling maging disabled naman o kaya’y umabot sa edad na 50 yrs old ang nanalo sa individual event sa international competition ay makatatanggap ng P15,000 na buwanang pension at P10,000 naman para sa miyembro ng team na nanalo sa international competiton.

Sakaling pumanaw naman ang atleta, may matatanggap na P30,000 ang pamilya nito para sa gastusin sa pagpapalibing.

Naniniwala si Santiago na ang panukalang batas na ito ay magsisilbing inspirasyon upang mahikayat ang mga atleta na magpursige na makapag-uwi ng karangalan mula sa international competition.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply