Best gift for moms on Mother’s Day

ALAM nýo ba na isa sa itinuturing na “most commercial days” sa taon ay ang araw ng Linggo?

Well, bukod kasi sa madalas ay ito ang tanging araw na nakapagpapahinga mula sa trabaho at totally ay nakaka-bonding ng isang ina ang kanyang pamilya, ito rin ang isa sa mga araw na pinakahihintay nila bukod sa kanilang kaarawan.

Higit kanino man, ang mga ina ang mas emosyonal kapag naaalala ang kanilang kahalagahan.

May ilang masaya na sa pagbati lang at may ilang ina na higit na ikinatutuwa ang mga regalong natatanggap mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Pero alam n’yo ba na noong unang panahon, hindi ang pagbibigay ng regalo o pagbati sa mga ina ang isineselebra tuwing sasapit ang Mother’s Day?

Higit na binibigyang pansin sa arw na ito ang pandaigdigang kapayapaan.

Pero nang lumaon, dahil ang mga ina ang itinuturing na simbolo ng kapayapaan sa loob ng mga tahanan o sa bawat pamilya, inilaan ang araw na ito para lamang sa kanila.

Kaya guys, para maipadama natin sa ating mga nanay, mama, mommy at inang ang ating munting pasasalamat, narito ang ilang munting regalo na tiyak kong kanilang ikatutuwa.

Personalized Photo Table

Kung walang budget para sa mamahaling regalo at ayaw naman ninyong simpleng pagbati lang ang ibigay sa inyong mga ina, isa sa kanilang tiyak na ikatutuwa ay ang paggawa ninyo ng personalized photo table.

Kailangan lamang ng kanilang larawan at picture frame. Ilagay ang inyong mga litrato kasama ang buong pamilya at tiyak na mas pahahalagahan nila ito kompara sa mamahaling bagay na kanilang natanggap sa kanilang buong buhay.

Cake

Kung gipit na sa panahon para sa personalized gift o ano pa man, isa sa pinakamabilis na maaaring bilhin na regalo sa inyong mommy dear ay ang cake.

Siyempre, mas maa-appreciate nila ang cake kung nakapaloob doon ang inyong pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng dedications at iba pang estilo ng pagpapadama ninyo ng pagmamahal.

Heart Pendant

Karamihan sa mga nanay ay mahilig sa alahas, gayunpman, kung hindi rin lang kayang bumili ng mamahaling alahas para sa kanilang natatanging araw, maaari namang bumili ng alahas na hindi man mamahalin ay makikita naman nila ang inyong walang katulad na pagmamahal.

Isa sa magandang regalo na maaaring ibigay sa kanila ay ang silver na alahas na may heart pendant kung saan nakasulat ang kanilang pangalan. Why not!

Spa Gift Certificate

Walang mas mahirap pa sa propesyon ng isang ina. ‘Ika nga nila, mas mahirap maging nanay kaysa maging boss sa opisina.

Kaya naman bilang handog sa kanilang natatanging araw, malaking bagay ang pagpapadama sa kanila ng paglalambing. At ito ay inyong maipapadama sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang ng Spa Gift Certificates.

Minsan sa buhay ng mga nanay, ang isang araw na spa ay para na ring katumbas ng isang taong relaxation. Try it!

Cards/Love letter

Kahit sa panliligaw, higit na naa-appreciate ng kababaihan ang pagtanggap ng love letter. At ito ay walang pinagkaiba sa pagbibigay ng cards o sulat pagmamahal sa inyong mga ina.

Ito ang tamang panahon para ipabatid kina mommy kung gaano kayo kaswerte at sila ang inyong naging magulang. Paghingi ng paumanhin sa inyong mga pagkukulang at higit sa lahat, ay ang pagpapabatid sa kanila kung gaano nýo sila kamahal.

Sa lahat ng mommy, nanay, mama, ina sa mundo…

HAPPY MOTHER’S DAY!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply