Beteranang mamamahayag todas sa QC killer highway

TODAS sa malagim na aksidente ang isang beteranang mamamahayag at University of the Philippines journalism professor na si Lourdes “Chit” Estela-Simbulan nang banggain ng isang rumaragasang pampasaherong bus ang kanyang sinasakayang taksi sa Commonwealth Avenue sa Quezon City na tinaguriang killer highway.

Dead on arrival sa Malvar General Hospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan  ang biktimang si Estela-Simbulan, dating Philippine Daily Inquirer desk editor at founding member ng independent Vera Files, ayon kay  Superintendent Arnold Santiago ng Quezon City Police District’s Traffic Enforcement Unit.

Naiwan ni Estela-Simbulan, 53, ang kanyang asawang si Roland, isang professor sa UP-Manila at dating regent na kilala sa kanyang anti-US bases advocacies.

Ayon sa pulisya, lulan ang biktima ng isang taksing may plakang THX-532 at tinatahak ang southbound lane sa tapat ng Ayala Technopark nang biglang banggain ng isang Guiding Star passenger bus dakong 6:00 Biyernes ng gabi.

Imbes namang isugod ang biktima sa pinakamalapit na ospitaL, tumakas ang hindi nakikilalang suspect pero ayon kay Santiago, ikinasa na ang pagtugis sa drayber ng bus.

“We have identified the unit of the bus and it will be easy for us to track the driver,” pahayag ni Santiago at sinabi na ang insidente ay isang “hit-and-run” accident.

Kinilala naman nito ang suspect na si Vito Jagunos, drayber ng bus na may plakang UVC-343.

Bago mamatay ang biktima, siya ang executive director of Vera Files at nagtrabaho sa maraming pahayaganbilang reporter at editor.

Sa mga nagdaang taon, nagturo rin si Simbulan ng journalism subjects sa UP College of Mass Communication.

Kilala rin si si Estela-Simbulan bilang editor ng Pinoy Times, isang alternatibong tabloid na nagbubunyag ng katiwalian ni President Joseph Estrada na nasipa sa posisyon noong Enero2001.

Inilagak ang labi ni Estela-Simbulan sa Prime Funeral Parlor, na nasa  Commonwealth Avenue, na tinaguriang “killer highway”dahil sa rampant over speeding at blatant disregard ng batas trapiko ng drayber ng bus, jeepneys, taxicabs at kahit motorcycles. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply