BI may bagong associate commissioner

NAKAPANUMPA na sa kanyang tungkulin ang bagong talagang associate commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na si Abdullah Mangotara.

Si Mangotara na dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Lanao del Norte ay nanumpa na kay Justice Secretary Leila de Lima.

Ang appointment paper ni Mangotara ay ipinadala ni Executive Seretary Paquito, Ochoa Jr., kay De Lima noong Mayo 12, 2011

Pagkatapos na manumpa kay De Lima,  si Mangotara ay magko-courtesy call kay Immigration Commissioner Ricardo David, Jr., upang makapagsimula na sa kanyang tungkulin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply