‘Big 3’ nag-rollback

EPEKTIBO kaninang madaling araw, Mayo 15, inanunsyo ng tinaguriang ‘big three’ oil companies ang rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Ayon sa Petron, Shell at Chevron, ang pagbulusok sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng  magandang development ng presyuhan ng langis sa world market..

Sa magkakahiwalay na anunsyo ng tatlong kompanya, P2.00 ang ibinaba ng mga ito sa bawat litro ng kanilang diesel at kerosene, habang P1.75 naman sa halaga ng kanilang unleaded at premium gasoline.

Ang regular gasoline naman ay binigyan ng P1.25 price reduction sa kada litro nito.

Nabatid na 12:01 pa lang kanina ay epektibo na ang price cut ng Shell at Chevron, habang ang Petron naman ay ganap na 6:00 ng umaga nagbawas ng presyo.

Isinangkalan na naman ng tatlong kompanya ng langis na ang pagganda ng takbo ng oil industry sa pandaigdigang merkado ay may kaugnayan sa pagkamatay ni Osama bin Laden.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply