‘Bike for Justice’ para kay Doc Gerry isinulong

NAGLUNSAD ng “Bike for Justice” ang mga kaanak at tagasuporta ng pinaslang na brodkaster sa Palawan na si Dr. Gerry Ortega.

Ngayon ang ikaapat na buwan ng pagpatay kay “Doc Gerry,” na kilalang isang environmentalist.

Pinangunahan nina Dr. Patria at Mica Ortega, may-bahay at anak ng biktima, at mga tagasuportang sina Fr. Robert Reyes at Atty. Harry Roque ang gawaing inaasahang makapagsusulong sa paghahanap ng katarungan sa pagkamatay ni Ortega.

Nakabinbin sa Department of Justice (DOJ) ang reklamong isinampa laban sa mga suspek sa pagpatay na kinabibilangan nina dating Palawan Gov. Joel Reyes, na pinaghihinalaang utak ng krimen, at dating Marinduque Gov. Bong Carreon.

Mula sa punong-tanggapan ng DOJ ay dumiretso sila sa Senado, kung saan isang liham ang kanilang iniabot kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Nanawagan ang mga demonstrador sa Senado na imbestigahan ang umano’y maling paggamit ng Malampaya fund, na isa sa mga isiniwalat ni Ortega noong siya ay nabubuhay pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply