Bilanggo niratrat ng riding-in-tandem, todas

ISANG bilanggo na nakatakda sanang dalhin sa Manila City Hall upang ma-inquest ang napatay ng riding-in-tandem Sabado ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macareg, hepe ng Manila Police District Homicide Section ang biktima na si Gordon Inciong, 26, may-asawa, laborer, bilanggo ng Police Station 2 at nakatira sa 1373 Quiricada St.,Tondo.

Ayon kay Macaraeg, dakong 10:15 ng gabi, sakay si Inciong ng tricycle patungong Manila City Hall para ma-inquest dahil sa kasong robbery holdap.

Pagsapit sa may kahabaan ng Road 10 at Lakandula St., sa nasabing lugar ay biglang dinikitan ng dalawang di nakilalang lalaki na sakay ng pulang motorsiklo ang kanyang sinasakyang tricycle. Agad pinaputukan ang biktima ng dalawang beses ng mga salarin na agad na tumakas matapos ang pamamaril.

Isinugod naman si Inciong sa Gat Andres Bonifacio Hospital subalit hindi na ito umabot pang buha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply