Bilibid officials sinuspinde ni Diokno

PINATAWAN na ng tatlong buwang suspensyon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Ernesto Diokno ang mga guwardiya at ilang opisyal nito kaugnay sa paglabas-pasok ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa kulungan.

Kabilang sa sinuspinde ay sina chief custodian Fortunato Husto, officer-in-charge Supt. Roberto Ramo, Chief Reserve Security Group Dante Cruz, police officer Wilson Marquez, at prison guards na sina Francisco Liwanag at Hilario Managitan.

Ayon naman kay New Bilibid Prsion (NBP) Assistant Dir. Teodora Diaz, maliban sa suspensyon, maaari pang masibak sa serbisyo ang mga nabanggit kapag napatunayan ang lalim ng kanilang partisipasyon sa paglabas ni Leviste sa kulungan nang walang kaukulang permiso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply