Billboards sa EDSA pinagbabaklas

NAGSAGAWA ng pagbabaklas ng billboards ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Batay sa report ng dzMM, ang nasabing pagbabaklas ay pinangunahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na tinaguriang ‘Oplan Baklas Billboard’ alinsunod sa naging kasunduan sa pakikipagpulong nila sa mga outdoor billboard operator.

Ayon kay Tolentino, tinatayang may 2, 000 billboards sa EDSA at halos lahat ay may paglabag sa requirements na itinatakda ng National Building Code.

Inihayag ni Tolentino na iro-roll out ang lahat ng billboard signs at padadalhan ng notice ang mga operator na may 15 araw sila para makasunod sa requirements.

Inaasahang sa loob ng dalawang linggo, maraming billboards ang maisasaayos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply