Bilyonaryo nagpatiwakal

NAGPAKAMATAY ang bilyonaryong si Gunter Sachs sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili sa kanyang mismong bahay sa Gstaad, Switzerland.

Si Sachs ay apo ng may-ari ng Opel Cars. Siya rin ay dating asawa ng sikat na aktres ng dekada 60 at 70 na si Brigitte Bardot.

Ang 78 taong gulang na si Sachs ay kilala bilang art collector at photographer. Sa katunayan ay marami na siyang naiuwing parangal dahil sa galing nitong kumuha ng mga litrato.

Inaalam pa ng mga pulis sa lugar kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ni Gunter Sachs.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply