Bin Laden namalagi sa Pakistan ng 5 taon

KINUMPIRMA ng isang asawa ni Al-Qaeda leader Osama Bin Laden na limang taon nanirahan ang kanyang asawa sa compound kung saan siya napatay sa bansang Pakistan.

Sinabi ni Amal Ahmed Abdulfattah, isa sa mga asawa ni Bin Laden, kasama nilang tumira sa compound ang dalawa pang asawa nito at mga anak.

Pinili umano ni Osama na tumira sa naturang lugar dahil malapit ito sa isang military academy at hindi mapaghihinalaang doon nagtatago ang Al-Queda leader.

Samantala, ipinangako na rin ng Al-Queda ang kanilang paghihiganti sa mga kano maging sa loob at labas ng kanilang bansa.

“It will remain, with permission from Allah the Almighty, a curse that hunts the Americans and their collaborators and chases them inside and outside their country.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply