Bin Laden pumanaw na

KINUMPIRMA ng US official na patay na ang founder ng teroristang grupo na Al Qaeda na si Osama Bin Laden kung saan narekober ng US authority ang katawan nito.

Nakatakdang magsagawa ng isang dramatic announcement si US President Barack Obama sa naturang balita.

Ayon sa report ng mga international media networks, hawak ng Amerika ang katawan ni Bin Laden at posibleng matagal na itong nasawi ngunit idinaan sa masusing pagsusuri upang matiyak na ito ay si Bin Laden.

Namatay si Bin Laden matapos na pinasabugan ang mansion nito sa labas lang ng Islamabad, Pakistan.

Sinasabing kasama sa mga nasawi ang ilan sa miyembro ng pamilya ng Al Qaeda leader.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply